OWL Postal Message #3
Michael Vea
Minsan, isang gabing madilim
Ako'y nakadungaw sa bintana, sa langit nakatingin
Pinagmamasdan ang mga bituin
Nalulungkot sa gabing malalim
Habang ako'y nakatingin sa mga tala
Ako'y lumuluha pagka't ngayo'y nag-iisa
Irog, sa aking piling ika'y wala na
Di ka na muling mayayakap at mahahagkan pa
Ginunita ko ang ating mga nakaraan
Mga masasayang kahapon na nagdaan
Ngayon ako'y nasa gitna ng pighatian
Nakiramay ang mga tala't lumuha sa aking harapan
Ang mga mata ko'y aking ipinikit
Lumuluha sa tindi ng sakit
Ako'y dumulog ng paulit-ulit
Sa aking piling ika'y ibalik
Sa gitna ng pighati ko ang mga tala'y sumagot
Paligid ko'y liwanag ang bumalot
Ako'y iniakyat sa kalangitan
Upang pagmasdan ang buong kalawakan
Isang tala, nagsalita sa harap ko
“Ang hapding naranasan mo
Ay bahagi ng buhay ng tao
Upang maging isang matayog na puno
Itanim mo sa iyong isipan
May karamay ka sa gitna ng mga kapighatian
Pagmasdan mo ang mga tala
At alalahaning ika'y di nag-iisa”
