KAMATAYAN NG AWTOR (Death of an Author)
Nakakalungkot isipin na kapag hindi ka pinahalagahan sa isang bagay na ginawa mo. May mga tao ka na natulungan, natuto sila at lumipad dahil sa iyo. Lumawak ang kanilang pag-unawa sa mundo dahil sa mga pangaral mo o kaya sa mga bagay na ginawa mo sa ikabubuti nila para palawakin ang kanilang perspektibo sa buhay. Ngunit, matapos mo gawin ang lahat, hindi ka na bahagi ng isang bagay na ginawa mo. Nasa labas ka. Hindi na sa iyo ang ginawa mo kundi para sa mundo na. Kahit ano pa gawin mo hindi ka na bahagi nun. Ang saklap!
Ganito ang reaksyon ko matapos matutunan ang isang teorya ni Roland Barthes tungkol sa “Kamatayan ng Awtor” (Death of an Author). Sa pag-aaral ng isang teksto, hindi dapat ihalo ang mga opinion ng orihinal na awtor sa kritisismo ng isang teksto ng panitikan. Dahil ang mga nilalaman ng kwento ng isang nobela, dula,
Ayon kay Barthes, isang definitive ang interpretasyon sa pag-aaral ng panitikan kung ihahalo ang mga opinion ng awtor. Upang palawakin ang idelohiya sa pag-aaral at pag-unawa ng panitikan, isinantabi niya ang mga opinyon ng awtor upang hindi ito maging, ayon sa kanya, isang “biased” na perspektibo. Pinalawak at pinalalim ang pag-aaral ng panitikan sa pamamagitan ng mabuting pagsasaliksik sa konteksto nito, halimbawa: ang lipunan, kasaysayan, mga tunay na kaganapan at iba pa na nagtulak sa awtor upang isa-teksto ang isang kaisipan o lipunan ng mga kaisipan.
Maraming mga teorya na maaraming magamit sa pag-aaral ng panitikan na isinantabi ang awtor. Halimbawa dito ang mga teorya na nasa ilalim ng postistrukturalismo. Ngunit ito ay nagbigay ng hindi lang malawak ng pag-unawa, kundi multiplicity ng interpretasyon na lalong pinalalim ang disiplina sa pag-aaral ng panitikan.
Ang malungkot ay kung ako ay sumulat ng isang teksto para sa panitikan, kahit na ito ay isang
Sa aking perspekto, ang panitikan ay hindi lamang kalipunan ng mga ideya na mula sa lipunan at kapaligiran, kundi ito ay isa din diary ng talambuhay ng isang awtor. May mga bagay o pangyayari na naranasan ng manunulat at gusto niyang ibahagi sa mambabasa hindi sa halatang paraan. Pero salamat din kay Barthes sa pagpapalawak ng pag-aaral ng panitikan.
