FIRE DRILL?
Juice ko naman! Umaga problema sa signal ng globe... inabot ata ng halos tatlong oras yun. Tatlong oras akong nagdusa na walang maka-text dahil sa pesteng signal problem na yun.
Dumating ako sa school, buti na lang may JAXTR. Yun na lang ginamit ko pang-text. Salamat din at naintindihan ng mga loyal fans ko kung bakit di ako makapagreply sa kanila ng halos tatlong oras.
Isang oras ang nakalipas, habang nakaupo sa harap ng computer. May naramdaman akong tunog (naramdaman ko po... hindi narinig... Deaf po ako... peksman!)
BOOM!
Akala ko yun pintuan sa ibang kuwarto... akala ko padabog na isinara yun pinto. Tapos...
BOOM! ulit.... abah!
May lumapit sa akin na estudyante... ang sabi may sumabog daw. Ganun din ang sinabi ng isang faculty. Aba naman eh pinagmamadali pa akong lumabas!
Nang lumabas ako, kitang-kita po ng mga mata ko na may umuusok sa basketball court.
Leche! Pati ako nataranta!
Pero sabi ng isang faculty sa akin: Fire drill lang yan.
Fire drill? Eh ang lakas lakas nun naramdaman kong pagsabog eh. Saka wala naman advisory na may fire drill pala. May bumbero sa main gate ng school nang lumabas kami. Fire drill nga... isa lang kasi yun sasakyan nila eh! Fire drill lang eh nananakot pa.
May nagtatanong kung bakit daw... Ang sagot ng iba eh dahil pag alam ng marami na may fire drill baka hindi magmadali yun mga tao dahil alam nila na action star lang sila sa eksena. Kaya minabuti nila na huwag sabihin na may fire drill para ata maexperience kung paano ang actual event... actual event na walang script at director. Sa madaling sabi dapat... laging handa!
Umaga kumulubot mukha ko sa signal problem... tapos fire drill naman sa hapon. Anak ng tokwa naman!
Lintek naman yun may pakana ng fire drill... ang daming natakot. Pati byuti ko nalaglag!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home